Posts

PAGBASA

Image
 P - Pagbasa ay daan upang magkaroon ng bagong kaalaman. A - Araw-araw itong pagyayamanin at papahalagahan. G - Gabay sa tamang landas. B - Buhay ay nagiging makulay sa pamamagitan ng pagbabasa. A - Aral na nakukuha mula sa pagbabasa. S - Sa pagbasa, may pag-asa. A - Aklat ay susi sa tagumpay. https://pin.it/Q1DWGTHw3

Ang Pagmamahal sa Sariling Wika

Image
     Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda." Ito ay isa sa mga pinakatanyag na kasabihan ni Gat Jose Rizal na nag-iiwan ng malalim na mensahe tungkol sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Ang kasabihang ito ay naglalayong ipaalala sa atin ang kahalagahan ng pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling wika, na siyang nagsisilbing haligi ng ating kultura at identidad.      Sa panahon ngayon, mapapansin na marami sa atin ang higit na naaakit sa paggamit ng wikang banyaga kaysa sa sarili nating wika. Halimbawa, usong-uso sa ating bansa ang Korean language, na masigasig na tinatangkilik ng mga kabataan. Walang masama sa pag-aaral ng ibang wika, ngunit nagiging suliranin ito kapag mas binibigyang pansin ang banyagang wika kaysa sa sariling atin. Kapag isinantabi natin ang Filipino, para na rin nating tinanggihan ang ating sariling kultura at kasaysayan, dahilan kung bakit sinasabi sa kasabihan na mas masahol...

Diploma o Diskarte: Ano ang pipiliin mo?

Image
     Ang diploma ay simbolo ng tagumpay sapagkat ito ay bunga ng matinding pagsisikap at pagtitiyaga. Bago ito makamtan, maraming hamon at pagsubok ang kailangang lagpasan. Kapag nakuha na ito, nagiging susi ito sa pagbubukas ng maraming oportunidad na maaaring magpabago sa ating buhay. Gayunpaman, hindi lamang diploma ang batayan ng tagumpay; ang diskarte ay isa ring mahalagang elemento sa pag-abot ng mga mithiin.      Ang diskarte ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na humanap ng mabisang paraan upang makamit ang kanyang mga layunin. Sa konteksto ng edukasyon, ginagamit ito upang mapadali ang pagkuha ng diploma sa kabila ng mga hamon. Maraming naniniwala na mas mabilis at madali ang paggamit ng diskarte kaysa sa tradisyunal na landas ng pagkamit ng diploma. Gayunpaman, mahalaga pa rin ang pagsasama ng diskarte at tamang edukasyon sapagkat nagbibigay ito ng matibay na pundasyon sa hinaharap.      Sa pagtatapos, pinipili ko ang pareho—diploma at...

Magkaibigan O Magka-ibigan?

Image
     Ang buhay ay puno ng mga bagay na hindi natin inaasahan. Minsan, bigla na lang dumarating ang mga problema na parang hindi natin alam kung paano sosolusyunan. Lahat tayo ay may kanya-kanyang kakayahan, gusto, at katayuan sa buhay. Tulad ng buhay, ang pag-ibig ay isa ring bagay na hindi natin laging napaghahandaan. Hindi natin alam kung kailan ito dadating o kung kailan ito mawawala.      Sa pagpili ng taong mamahalin, madalas gusto natin yung tugma sa ating mga hilig o pangarap pero hindi laging ganito ang nangyayari. Minsan, bigla na lang dumarating ang pag-ibig sa mga panahong hindi natin inaasahan o kaya ay sa mga sitwasyong mahirap. Oo, masaya ang umibig dahil may kakaibang saya itong naibibigay pero hindi rin maiiwasan na minsan, may kasamang lungkot o sakit kapag hindi naging ayon sa plano ang lahat.      Sa huli, ang hindi inaasahang pag-ibig ay parte talaga ng buhay. Ito ang nagpapaalala sa atin na hindi natin kontrolado ang laha...

Tunay na Kaligayahan

Image
      Ang kaligayahan ay maaaring matamasa sa pamamagitan ng tao, bagay o pangyayari. Noong ako'y bata pa, lumaki ako sa isang pamilya na mapagmahal at dahil dito ay patuloy akong nagkakaroon ng inspirasyon na nagsisilbing ligaya sa akin. Ang aking itinatatak sa isipan noon ay "kahit presensya lamang nila ay ayos na sa akin" ngunit habang tumatagal, ramdam ko ang malaking pagbabagong nagaganap sa aming pamilya.      Nagsimula iyo noong puno na lamang ng away ang nagaganap sa aming tahanan, nagkaroon ng bisyo ang aking ama na nagdulot ng matinding kalungkutan sa akin. Mula nito ay naging mailap na ako sa aking mga magulang, mayroon ding pagkakataon na kinakailangan ko ang kanilang payo at yakap ngunit hindi ko na nagawa sa kadahilanang batid kong sila ay pagod din. Nakaramdam man ako ng kalungkugan noong panahon na ito, namulat naman ako sa katotohanang nagbabago ang bagay habang tumatagal at kinakailangan kong matutunang harapin ito. Sa maikling panahon ng ...

Pagpapahalaga sa Gabay ng Magulang

Image
     Sa aking paalagay, ang awit ay tungkol sa pagpapahalaga sa ating mga magulang. Ipinapahiwatig nito na kahit tayo ay nasaa tamang edad na, kinakailangan pa din nating humingi ng payo at gabay mula sakanila para sa ating kapakanan. Lalo na sa ating mga desisyong ginagawa sa ating buhay, upang itoý hindi magdulot ng masamang resulta, mas makabubuti kung tayo ay hihingi muna ng payo at gabay mula sa ating magulang. Tayo man ay nasa hustong gulang na, hindi dapat mawala ang ating respeto sa kanilang mga opinyon. Ang gabay na kanilang ibinibigay ay patunay ng kanilang pagmamahal at malasakit sa atin. Kaya’t nararapat lamang na ipakita natin ang ating pagpapahalaga at pasasalamat sa kanila sa bawat pagkakataon. Sa huli, ang buhay ay puno ng mga hamon, ngunit sa tulong ng gabay ng ating mga magulang, mas madali nating malalampasan ang mga ito. Maglaan tayo ng panahon upang pakinggan sila at ipakita ang ating pasasalamat sa kanilang walang-sawang pagmamalasakit. ME ...