SURING AKLAT
- Get link
- X
- Other Apps
- Get link
- X
- Other Apps
Ang kaligayahan ay maaaring matamasa sa pamamagitan ng tao, bagay o pangyayari. Noong ako'y bata pa, lumaki ako sa isang pamilya na mapagmahal at dahil dito ay patuloy akong nagkakaroon ng inspirasyon na nagsisilbing ligaya sa akin. Ang aking itinatatak sa isipan noon ay "kahit presensya lamang nila ay ayos na sa akin" ngunit habang tumatagal, ramdam ko ang malaking pagbabagong nagaganap sa aming pamilya.
Nagsimula iyo noong puno na lamang ng away ang nagaganap sa aming tahanan, nagkaroon ng bisyo ang aking ama na nagdulot ng matinding kalungkutan sa akin. Mula nito ay naging mailap na ako sa aking mga magulang, mayroon ding pagkakataon na kinakailangan ko ang kanilang payo at yakap ngunit hindi ko na nagawa sa kadahilanang batid kong sila ay pagod din. Nakaramdam man ako ng kalungkugan noong panahon na ito, namulat naman ako sa katotohanang nagbabago ang bagay habang tumatagal at kinakailangan kong matutunang harapin ito. Sa maikling panahon ng pangungulila, ako ay may nakilalang mga tao na may iba't ibang personalidad na nagsilbing kaligayahan sa akin, mula noong sila'y aking makilala, sila ang nagsilbing liwanag sa aking madilim na paligid. Kahit anong pagkakamali ang aking nagawa, kailan man ay hindi nila ako hinusgahan at dahil dito ay mas nahubog ang aking isipan.
Nagkaroon man ng kalungkutan sa aking buhay, nagkaroon naman ito ng kapalit na kaligayahan. Sa pamamagitan nito, mas lalo akong natuto at naging matatag. Sa panahong ito, nasilayan ko kung paano at gaano kalaki ang pagbabagong naganap sa akin, sa aking itsura, isipan, at ugali ngunit nagbago man ang mga ito, kailan man ay hinding hindi magbabago ang aking pagmamahal sa aking magulang, kaibigan, at iniibig.
Comments
Post a Comment