Pagpapahalaga sa Gabay ng Magulang

     Sa aking paalagay, ang awit ay tungkol sa pagpapahalaga sa ating mga magulang. Ipinapahiwatig nito na kahit tayo ay nasaa tamang edad na, kinakailangan pa din nating humingi ng payo at gabay mula sakanila para sa ating kapakanan. Lalo na sa ating mga desisyong ginagawa sa ating buhay, upang itoý hindi magdulot ng masamang resulta, mas makabubuti kung tayo ay hihingi muna ng payo at gabay mula sa ating magulang.

Tayo man ay nasa hustong gulang na, hindi dapat mawala ang ating respeto sa kanilang mga opinyon. Ang gabay na kanilang ibinibigay ay patunay ng kanilang pagmamahal at malasakit sa atin. Kaya’t nararapat lamang na ipakita natin ang ating pagpapahalaga at pasasalamat sa kanila sa bawat pagkakataon.


Sa huli, ang buhay ay puno ng mga hamon, ngunit sa tulong ng gabay ng ating mga magulang, mas madali nating malalampasan ang mga ito. Maglaan tayo ng panahon upang pakinggan sila at ipakita ang ating pasasalamat sa kanilang walang-sawang pagmamalasakit.


ME AND MY MAMA

Comments

Popular posts from this blog

Diploma o Diskarte: Ano ang pipiliin mo?

Ang Pagmamahal sa Sariling Wika

Pagsisikap Tungo sa Tagumpay