Isang Kwento ng Pag-unawa

Sa isang tahanang puno ng hindi pagkakaunawaan, namukod-tangi si Maria, isang batang babae na may kakaibang malasakit sa damdamin ng iba. Hindi tulad ng kanyang pamilya na tila walang pakialam sa nararamdaman ng bawat isa, si Maria ay natutong magbigay-pansin sa mga damdaming hindi naipapahayag. Ang kanyang masusing pagmamasid at pag-unawa sa paligid.



Ang naging dahilan ng pagkatuto ni Maria ng pagiging mapagmasid sa paligid ay ang pag-aaway ng kanyang mga magulang noong pitong taong gulang pa lamang siya. Sa pamamagitan nito, naging bukas ang kanyang puso para sa ibang tao. Ang sakit at lungkot na dulot ng mga pag-aaway na kanyang nasaksihan ay hindi niya ginamit upang magtanim ng sama ng loob. Sa halip, ito ang naging dahilan ng kanyang matibay na pagnanais na damayan ang mga taong dumadaan sa parehong sitwasyon.

Sa kadahilanang ito, natuto si Maria maging mapatmatyag sa mga taong nakapaligid sakanya. Hanggang sa kanyang paglaki ay dala nya ang mabigat na nakaraang ito na nakatulong rin sakanya upang maging isang mabuting tao. Sa kabila ng magulong pamilya na kanyang pinanggalingan, pinili niyang maging sandalan ng iba, naglilingkod bilang isang munting tagapagdama na laging handang makinig at umunawa.





https://pin.it/2D3cHdjNL


Comments

Popular posts from this blog

Ang Pagmamahal sa Sariling Wika

Diploma o Diskarte: Ano ang pipiliin mo?