Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda." Ito ay isa sa mga pinakatanyag na kasabihan ni Gat Jose Rizal na nag-iiwan ng malalim na mensahe tungkol sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Ang kasabihang ito ay naglalayong ipaalala sa atin ang kahalagahan ng pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling wika, na siyang nagsisilbing haligi ng ating kultura at identidad. Sa panahon ngayon, mapapansin na marami sa atin ang higit na naaakit sa paggamit ng wikang banyaga kaysa sa sarili nating wika. Halimbawa, usong-uso sa ating bansa ang Korean language, na masigasig na tinatangkilik ng mga kabataan. Walang masama sa pag-aaral ng ibang wika, ngunit nagiging suliranin ito kapag mas binibigyang pansin ang banyagang wika kaysa sa sariling atin. Kapag isinantabi natin ang Filipino, para na rin nating tinanggihan ang ating sariling kultura at kasaysayan, dahilan kung bakit sinasabi sa kasabihan na mas masahol...
Comments
Post a Comment